^

Metro

2 opisyal ng BI, pinakakasuhan ng NBI

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 opisyal ng BI, pinakakasuhan ng NBI
Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric Distor ang mga suspek na sina Perry Michael Pancho, Immigration Officer na nakatalaga sa Mactan Cebu International Airport (MCIA) at si Marcus Nicodemus, IO sa NAIA Terminal 1 sa Pasay City.
PNA/File

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kaso laban sa dalawang opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na sangkot sa pagpeke sa travel records ng isang Australian national na executive ng kontrobersyal na German payment company na Wirecard.

Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric Distor ang mga suspek na sina Perry Michael Pancho, Immigration Officer na nakatalaga sa Mactan Cebu International Airport (MCIA) at si Marcus Nicodemus, IO sa NAIA Terminal 1 sa Pasay City.

Sinabi ni Distor na Hunyo 25, 2020 nang ma­karating sa kanila ang ulat sa pagpasok sa Pilipinas ni Jan Marsalek, sangkot sa US$2.2 bilyong Wirecared fraud   sa Germany. Tinataka­san ni Marsalek ang mga naghahabol sa kaniya na mga awtoridad sa Europa.

Dito nagsagawa ng sariling imbestigasyon ang NBI-International Airport Investigation Division (NBI-IAID). Dito natuklasan ang pagdating ni Marsalek sa bansa noong Hunyo 23 sa NAIA Terminal 1 na prinoseso ni IO Darren Ilagan ngunit nilagyan ng “cancelled by user” na marka. Umalis naman ng bansa si Marsalek nitong Hunyo 24 sa pamama-gitan ng Mactan Cebu International Airport na prinoseso naman ni IO Perry Michael Pancho.

Lumabas sa imbes­tigasyon na lumabag ang mga immigration officer sa pagpapasok ng dayuhan sa Pilipinas dahil sa quarantine protocols dulot ng pandemya; kawalan ng scanned data sa pasaporte ni Marsalek; wala si IO Ilagan sa opis­yal na listahan ng IO na naka-duty ng naturang araw ng pagdating ni Marsalek at iba pang immigration protocols

Nang ipatawag ng NBI, tanging si IO Ilagan lamang ang dumating sa tangapan. Sinabi niya na utos umano ng nakaka­taas sa kaniya na si IO Supervisor Marcus Nicodemus ang pagsasaga-wa ng ‘‘derogatory record check’’ kay Marsalek at nang malaman niyang mali ito ay naglagay sila ng ‘‘cancelled user remark’’ para maabisuhan umano ang susunod na immigration officer.

Sinabi pa ni Ilagan na isa siyang biktima ng “pabokol scheme” ng kaniyang mga kasamahan at superior na humingi ng tila simpleng pakiusap para sa sarili nilang interes at bene-pisyo.

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with