^

Metro

Ban sa dine-in sa canteen, smoking areas suportado ng MMDA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinuportahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagbabawal sa dine-in sa mga canteen at smoking areas sa mga pook-gawaan maging sa pribado o pampubliko man bilang bahagi ng protocol laban sa pagkalat ng COVID-19.

Unang inihayag ito ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque at suportado ni MMDA Chairman Danilo Lim para tuluyang mapuksa na ang hawahan ng virus.

“Each and everyone of us must do our part in our fight against COVID-19. Adhering to the most basic health protocols is already a big contribution. Let us all cooperate as the pandemic is not over yet,” ayon kay Lim.

Bilang tugon dito, sinabi ni Lim na nagpapatupad na ang MMDA ng internal na mga panuntunan tulad ng pagbabawal sa pagkain ng kanilang mga tauhan ng sabay-sabay at limitasyon sa pag-order ng pagkain gamit ang mga food delivery apps. Tinanggal na rin umano nila ang mga ‘smoking area’sa kanilang compound.

Mahigpit din ngayon ang MMDA Health and Environmental Protection Office (HEPO) sa pagbabantay laban sa mga naninigarilyo may 100 metro mula sa mga paaralan sa Metro Manila.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with