^

Metro

Barangay 128 sa Caloocan City naka-total lockdown

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Simula na ngayon ang pagsasailalim sa total lockdown ang Brgy. 128 sa Caloocan City na tatagal hanggang sa Agosto 20.

Nabatid na pinirmahan ni Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan ang isang executive order na nagdedeklara ng total lockdown sa naturang barangay matapos makapagtala rito ng 24 na kaso ng COVID-19 kung saan 22 sa mga ito ay itinuturing pang active cases.

Sinabi ni Malapitan na isasabay sa total lockdown ang mass testing at malawakang contact tracing sa pangunguna ng Caloocan Health Department (CHD). Magsasagawa rin ng disinfection ang mga kawani ng Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM) sa barangay sa buong panahon ng total lockdown.

“Katulad sa ibang bara-ngay na isinailalim natin sa total lockdown, mahalaga ang kooperasyon ng mga residente upang maging epektibo ang Pamahalaang Lungsod sa pagganap nito sa kanilang tungkulin na makontrol ang pagkalat ng virus sa barangay,” ani Malapitan.

Nakatakda rin na magbigay ng food assistance ang pamahalaang lungsod sa mga residente na apek­tado ng lockdown.

vuukle comment

LOCKDOWN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with