^

Metro

46 tauhan ng BI positibo sa COVID-19

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umabot na sa 46  tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dinapuan ng COVID-19 habang nasa 93 pa ang suspected cases.

Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na siyam na sa mga dinapuan ng virus ang nakarekober habang ang 37 sa kanila ay nasa ‘quarantine facility’ na pinatatakbo ng pamahalaan habang ang isa ay nasa pagamutan.

Kalahati ng dinapuan ng virus ay nakatalaga sa BI main office sa Intramuros, Maynila habang ang kalahati ay mga nakatalaga sa iba nilang opisina tulad ng mga internasyunal na paliparan sa Pasay at Cebu, satellite at extension offices nila sa Metro Manila at ibang parte ng bansa.

Sa 93 na suspected cases, kalahati na ang nabigyan ng clearance nang magnegatibo sa swab test ngunit naka-quarantine sa kanilang mga bahay para makatiyak.

Dahil sa kakapusan sa tauhan, binawasan na ng BI ang kanilang operasyon ngunit nananatili naman na bukas ang kanilang online appointment system para sa mga dayuhan na nais lumabas ng bansa.

Tiniyak naman ng ahensya na may sapat silang tauhan sa mga paliparan para magsagawa ng ‘screening’ sa mga pumapasok at lumalabas ng bansa.

vuukle comment

BI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with