Pamamahagi ng 2nd tranche ng SAP sa Quezon City patuloy
Ayon kay QC ­Mayor Joy Belmonte may 356,818 sa 377,584 target recipients ng SAP ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nakatanggap na ng ayuda.
STAR/Walter Bollozos, file
Pamamahagi ng 2nd tranche ng SAP sa Quezon City patuloy
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - August 12, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patuloy na ipinagkakaloob ng Quezon City government ang ikalawang tranche ng Social Amelioration Program (SAP) sa QC.

Ayon kay QC ­Mayor Joy Belmonte may 356,818 sa 377,584 target recipients ng SAP ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nakatanggap na ng ayuda.

Pinasalamatan din ni Belmonte ang pamahalaan sa ibinigay na tulong sa mahihirap na taga-lungsod lalo pa’t nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine ang QC.

“Per report from the DSWD, the disbursement of the fund will be made by the national government through GCASH and not downloaded to the local go­vernment. This way, intended beneficiaries can get the aid faster via digital payment,” dagdag ni Belmonte.

Kaugnay nito, sinabi ni City Administrator Mike Alimurung, na sa  377,584 recipients, iniulat ng DSWD na may 16,406  duplicates o nakatanggap din ng ayuda sa iba pang assistance program ng pamahalaan habang may na­lalabing 4,000 beneficiaries ang kailangang mai-upate.

“The disbursement is also ongoing and payout will also be made through GCASH,” sabi ni Alimurung .

Inihayag naman ni Belmonte na itutuloy naman ng QC government ang pamamahagi ng sariling SAP makaraang matapos ang implementasyon ng  MECQ sa Aug. 18.

SAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with