Holdaper utas sa shootout
Inisyal na nakilala ang nasawi na si Alberto ­Soriano, 46, ng Tramo Street, ng naturang lungsod.
STAR/File
Holdaper utas sa shootout
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 12, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Utas ang isang holdaper na angkas ng isang motorsiklo habang nakatakas ang kaniyang kasamahan makaraang makipagbarilan sa mga pulis na rumesponde sa nagaganap na panghoholdap sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Inisyal na nakilala ang nasawi na si Alberto ­Soriano, 46, ng Tramo Street, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Pasay City Police, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi sa may Menlo Street, Brgy. 33, kung saan naglalakad na mag-isa ang biktimang si Roceselyn Jobelo, 33, isang service crew.

Biglang huminto sa tapat ni Jobelo ang isang motorsiklo at bu­maba ang dalawang suspek na armado ng baril. Tinutukan siya ng mga suspek at sapilitang kinuha ang kaniyang cellular phone at alahas.

Tiyempo naman na nagpapatrulya sa lugar ang isang mobile unit ng Pasay Police na naaktuhan ang nagaganap na holdap. Nagkaroon ng maigsing habulan kung saan pinaputukan ng mga suspect ang mga pulis na gumanti dahilan para masapul ang suspek at malaglag sa sinasakyan habang patuloy na humarurot ang motorsiklo kaya nakatakas ang isa pang suspek.

HOLDAPER PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with