Pekeng contact tracers, nagkalat
Publiko binalaan ng DOH
MANILA, Philippines — Nagbabala kahapon ang Department of Health (DOH) sa publiko ukol sa nagkalat ngayon na mga nagpapanggap na contact tracers na layon lamang na mang huthot ng pera sa mga pamilyang kanilang pupuntahan at tatakutin.
“This is to inform the public of a new scheme fraudelenty misrepresenting the DOH. We have received reports of citizens getting calls from certain individuals misrepresenting themselves as members of the DOH Contact Tracing Team,” ayon sa DOH.
Pinayuhan ng DOH ang publiko na huwag basta-basta magbibigay ng impormasyon kapag nakatanggap ng tawag sa telepono buhat sa mga nagpapakilalang contact tracers dahil sa wala umano silang ‘contact tracing team’. Kung magpakilala naman na contact tracers ng lokal na pamahalaan, kailangang kunin munang mabuti ang lahat ng kanilang impormasyon at berepikahin. “They maliciously ask for personal information and extort money in the process. The public is advised and not entertain these calls. Do not put your security at risk,” ayon pa sa advisory ng kagawaran.
Nakipag-ugnayan na rin ang DOH sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) para magsagawa ng imbestigasyon at habulin ang mga kawatan.
Inabisuhan din nila ang mabibiktima ng mga manloloko na isulat ang phone number at i-block saka iulat ito sa DOH Call Center Hotline a pamamagitan ng pagtawag sa (632) 8651-7800 local 5003-5004 o kaya ay mag-e-mail sa [email protected].
- Latest