^

Metro

Kelot sumampa sa trak nalaglag, pisak

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Agad na nasawi ang isang lalaki na su­mampa sa isang trailer trak pero sumablay at nalaglag dahilan para magulungan siya, ka­makalawa ng gabi sa Ermita, Maynila.

Nakilala lamang ang nasawi sa pangalang Felix, 50-60 taong gulang, may taas na limang talampakan hanggang 5’4, at nakasuot ng itim na kamiseta at pantalon.

Sa ulat ng Manila Police District-Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi sa kanto ng Finance Road at P. Burgos Street sa Ermita.

Ayon sa saks inakitang niyang sumampa ang biktima sa isang trailer truck na minamaneho ni Dante Naval Bergonia habang nakahinto ang behikulo sa natu­rang lugar. Nang biglang umandar, dito na­laglag ang biktima dahilan para masagasaan siya ng likurang gulong ng trak dahilan ng kaniyang agad na pagkasawi.

Sa kabila nito, inilagay muna sa kustodiya ng pulisya si Bergonia na nakatakdang sampahan ng kasong homicide through reckless imprudence sa Manila City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with