^

Metro

Higit P23 milyong ecstasy nasamsam

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon
Higit P23 milyong ecstasy nasamsam
Bahagi ito sa may P23.5 milyong halaga ng ecstasy na nasamsam ng BOC-NAIA na idineklarang coffee beans at laruan ng mga bata.
Kuha ni Rudy Santos

MANILA, Philippines — Nasamsam ng mga tauhan ng Bureao of Customs (BOC) sa NAIA ang may 13,824 tablet ng ecstasy na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit sa P23 milyon.

Sinabi ni NAIA District Customs Collector Mimel Talusan, ang mga nakum­piskang ipinagbabawal na gamot ay nakita sa iba’t ibang mga parcels na may iba’t -ibang consignees.

Idinagdag pa nito, ang mga droga ay nagmula sa Netherlands at Belgium at ito aniya ay ‘misdeclared’ bilang mga ibat-ibang uri coffee beans , energy saving LED light at mga laruan  para sa mga bata.Ang kahina-hina­lang bigat ng mga pakete, at ang kamakailang natuklasan na modus operandi ng pagpuslit ng ilegal na droga sa pamamagitan ng mga coffee beans mula sa ibang mga bansa noong Hulyo 2020, ang nag-udyok sa BoC-NAIA  na isailalim ang mga parcels sa mahigpit na mga document profilings, x-ray scan at inspeksyon.

Sinabi ni Talusan, sa pisikal na pagsusuri ng BoC-NAIA Customs ­Examiners, ang mga tablet na iba’t ibang kulay ng ‘party drugs’ o Ecstasy ay nakatago sa mga laruan  at iba’t ibang mga wrappers ng kape.

Nasamsam ang mga epektos sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.

Ang BOC NAIA Frontli­ners, Customs Examiners, CIIS, CAIDTF, ESS at XIP Operatives ay patuloy na nakikipag-ugnay sa PDEA at NAIA-IATG upang lalo pang mapalakas ang pagbabantay sa pag-iingat sa mga terminal ng pasahero at mga bodega.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with