^

Metro

LSIs huwag munang magtungo sa pier-PPA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan ang pamunuan ng Philippine Ports Authority (PPA) sa mga ‘locally standed individuals (LSIs)’ na gustong makauwi na ng kanilang probinsya na huwag munang magtungo sa pier hanggang hindi natatapos ang ‘modified enhanced community quarantine (MECQ)’.

Ito ang panawagan ni PPA General Manager Jay Santiago makaraan na nasa 275 LSIs ang nananatili ngayon sa Manila North Harbor at pansamantalang nanunuluyan sa mga bakanteng container vans.

Sinabi ni Santiago na suspendido pa ang lahat ng uri ng pampublikong transportasyon maging ang biyahe ng mga barko sa ilalim ng MECQ.  Inabisuhan niya ang mga LSI na patapusin muna ang MECQ bago umasa na makakauwi sa kanilang probinsya. 

Magtatapos lamang ang ‘moratorium’ sa pagbiyahe sa mga LSI sa Agosto 21, ayon pa kay Santiago.

Kailangan din umano na bago magtungo sa pier ay kailangang kumpirmado na ang kanilang biyahe sa barko kung hindi ay maiiwan sila at makakasama sa istranded sa pier.

 

vuukle comment

MECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with