Rekomendasyon ng health experts vs COVID-19, aprub sa NCRPO
MANILA, Philippines — Ia-adopt o susundin ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga inirekomendang estratehiya at pamamaraan ng mga eksperto sa paglaban sa coronavirus disease 2019 .
“We will strictly enforce and implement the policies and guidelines set by the IATF for all the men and women of NCRPO to include the experts’ recommendations. At the end of the day, the health and welfare of our personnel is our paramount concern because their safety equates the safety of the people we serve,” ani Regional Director, P/Major General Debold Sinas.
Kaugnay ito na naganap na dayalogo sa pagitan ng NCRPO at health experts na tinawag na “Strategic Preparedness and Response Plan For COVID-19” na ginanap sa Quezon City Police District Hinirang Social Hall, Camp Karingal, Sikatuna Village, Quezon City nitong Agosto 7. Layon ng dialogue na mas mapabuti at makabuo ng estratehiya kaugnay sa mga paghahanda at plano ng NCRPO para sa paglaban sa pandemya.
Kabilang sa tinalakay ang mga itinayong quarantine control points ng NCRPO sa Metro Manila; Social Distancing Patrol; Community Quarantine Violators; at ang Initiatives and Best Practices in fighting COVID-19 ng NCRPO.
Nagprisinta rin ang Regional Health Service ng kanilang ginagawang pamamaraan habang ang mga health experts naman ay inirekomenda naman na hindi na kailangan ang thermal scanner sa Quarantine Control Points; ang pag-alis ng disinfectant / decontamination tent dahil sa mga pag-aaral na nagpapakita nito ay hindi na epektibo sa pagtanggal ng virus; at pagpapahusay ng contact tracing gamit ang information technology.
Inirekomenda na i-prioritize ang high-risk PNP personnel, vulnerable, at mahihirap sa swab testing at ang mga madarakip na quarantine violators ay patawan ng community service tulad ng paglilinis sa komunidad at pagtatanim ng halaman. Dapat ding regular na pabakunahan ang mga PNP personnel ng pneumococcal at flu vaccine upang mas lumakas ang mga immune system.
- Latest