^

Metro

Pagrereport ng probable, positive COVID-19 cases, giit ng Quezon City government

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pagrereport ng probable, positive COVID-19 cases, giit ng Quezon City government
Ayon kay CESU head Dr. Rolly Cruz, may mga insidente na nalalaman lamang nila na ang isang indibiduwal ay positive sa COVID- 19 makaraan ang ilang araw na pagpapalabas ng test result .
Boy Santos

MANILA, Philippines — Hinikayat ng Quezon City government  ang mga residente at empleyado sa lungsod na ireport agad ang nalalaman na mga  probable at  confirmed cases ng COVID-19 sa lokal na pamahalaan.

Sa pinalabas na memorandum ni QC Mayor Joy Belmonte, ang agarang pagrereport ng mga nabanggit ay makakatulong ng malaki sa QC  Epidemiology and Surveillance Unit (CESU)  at sa  Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) para agad makagawa ng aksyon at maiwasan ang pagkalat ng virus .

“This shall further enable the CESU to respond in a timely manner to accomplish contact tracing of confirmed cases, every day and every hour is important, so self-reporting helps the Phi­lippines end the COVID-19 pandemic faster,” sabi ni Belmonte.

Anya ang maagang pag-uulat tungkol sa infected ng virus ay makakatiyak na maiiwas agad  ang pamilya, mga kaibigan at katrabaho na mahawa sa virus.

Sinabi ni Belmonte na ang mga positive at probable COVID-19 patients ay bibigyang ng libreng quarantine accommodations sa pamamagitan ng  kanilang  HOPE community quarantine facilities at aalagaan ng mga skilled health care workers.

Ayon kay CESU head Dr. Rolly Cruz, may mga insidente na nalalaman lamang nila na ang isang indibiduwal ay positive sa COVID- 19 makaraan ang ilang araw na pagpapalabas ng test result .

Maaaring isagawa ang self reporting  sa  e-mail ([email protected]) CESU’s Facebook accounts(www.facebook.com/QCEpidemiologyDiseaseSurveillance), (facebook.com/qc.esu.official, facebook.com/qc.esu.official1, facebook.com/qc.esu.official2, at facebook.com/qc.esu.official3) at sa hotline numbers (landline: 8703-2759, 8703-4398; Globe: 0916-122-8628, Smart: 0908-639-8086, Sun: 0931-095-7737).

Maaari rin anya itong ireport sa respective hotlines  ng inyong  barangay. Ang anumang iuulat ay  confidential at gagamitin lamang para sa contact tracing.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with