^

Metro

Suspek sa pagpaslang sa mag-asawa, itinumba

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Suspek sa pagpaslang sa mag-asawa, itinumba
Nagtamo ng maraming tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang kinilalang si Rolly Colo ng Block 15-A , Baseco Compound.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang 39-anyos na lalaki nang pagbabarilin ng tatlong lalaki habang nakaupo sa harapan ng kaniyang barung-barong, sa Baseco Compound, Port Area, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang kinilalang si Rolly Colo ng Block 15-A , Baseco Compound.

Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan sa tatlong  suspek na pawang nakasuot ng itim na jacket, itim na sumbrero at face masks.

Sa ulat ni P/Staff Sgt. Erickson Aguilar kay Manila Police District-Homicide chief, P/Major Henry Na­varro, dakong alas- 2:30 ng madaling araw kahapon nang maganap ang krimen sa harap ng bahay ng biktima.

Samantala, sa beripikas­yon, natukoy na ang biktima ay dati nang nakulong sa homicide section  kaugnay sa pagkamatay ng mag-asawang Norlito Purification at isang alyas Gelyn, na naganap sa Block 15-A, Baseco Compound, noong Abril 29, 2020.

Patuloy pang iniimbestigahan ang kaso.

vuukle comment

BALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with