^

Metro

Mga ayaw magsuot ng face mask, tinawag na ‘tolongges’ ni Yorme

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — “Kapag wala kang mask, pagsokpa mo sa ospital dalawang bagay lang ang pwede mangyari sa ‘yo… lumabas kang buo o lumabas kang abo.”

Ito ang inihayag ni Manila Mayor Isko Moreno kung saan tinawag niyang ‘tolongges’ ang mga pasaway na ayaw magsuot ng face mask.

Ang babala ay ginawa ni Yorme sa isinagawang inagurasyon sa ika-13 qua­rantine facility sa Manuel Quezon University (MLQU) sa Quiapo, Maynila ka­makalawa.

Tinawag na tolongges ni Moreno ang mga pasaway dahil naghahanap pa umano ng sakit ng katawan sa halip na umiwas sa virus na alam namang nakamamatay.

Sa kabila ng  good reco­very rate sa mga pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod, may mga namamatay din.

“Kung marami ang reco­very, sa kabilang dako ay meron ding mga namamatay, kaya may panganib.  Kaya tolongges ka kung feeling mo hindi ka magkakasakit,” giit pa ni Moreno.

Mawawalan aniya, ng kabuluhan ang lahat ng pagsisikap ng national at local govt. sa paglaban sa COVID-19 at sa paglalagay ng mga quarantine facility kung patuloy na nagpapabaya at binabalewala lang mga residente ang epekto ng nasabing virus.

“Pag ang tao nagpabaya, me kalalagyan tayo.  Habang me tiyak na paggaling,  me tiyak na kamatayan. ‘Pag wala kang mask, pagsokpa mo sa ospital dalawang bagay lang ang pwede mangyari sa ‘yo… lumabas kang buo o lumabas kang abo,” diin pa niya.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with