East Avenue Medical Center, gagawing sentro ng gamutan ng COVID-19
MANILA, Philippines — Magiging sentro na ng gamutan ng COVID-19 ang East Avenue Medical Center (EAMC) sa Quezon City.
Ayon kay National Task Force COVID-19 chief implementer Sec. Carlito Galvez Jr. nagtutulungan na sila ngayon nina Department of Public Works Secretary Mark Villar, tes-ting czar Sec. Vince Dizon at Health Undersecretary Leopold Vega na maisaayos ang ospital para maging dedicated hospital para sa COVID-19 patients na lamang.
Ang EAMC ay lalagyan ng 250 isolation beds at COVID-19 ward beds, gayundin ng mahigit 30 higaan para sa intensive care unit.
Sinabi ni Galvez na ang pamahalaan ay magdadagdag ng 50 hanggang 100 higaan para sa COVID- 19 referral hospitals sa Philippine General Hospital sa Maynila at Lung Center of the Philippines sa QC.
Una nang nairekomenda ni Galvez na may apat na ospital sa MMLA ang gagamiting gamutan ng Covid-19 at manggagamot sa mga non Covid-19 patient.
- Latest