‘Pasaway’ sa curfew, liquor ban tatanggalan ng scholarship grant sa muntinlupa city
MANILA, Philippines — Tatanggalan ng scholarship grants ang mga menor de edad na lalabag sa liquor ban at curfew hours sa Muntinlupa City, sa mas pinahigpit na ordinansang ipinatupad sa lungsod simula kahapon.
Kabilang ito sa inaprubahang City Ordinance 2020-111 ni Mayor Jaime Fresnedi, na nag-uutos sa “city-wide liquor ban” habang nasa anumang antas ng community quarantine ang Metro Manila.
Sa ilalim ng ordinansa, ang pagbebenta, pangangalakal, paghahatid, at pagkonsumo ng alak at iba pang mga inuming nakalalasing ay ipinagbabawal sa Muntinlupa City na may parusang P5,000., pagsuspinde o pagtanggal ng mga permiso sa negosyo, at isang taong pagkakakulong sa paglabag sa mga establisimiyento.
Ang mga menor de edad na lumabag ay ‘stern warning’ muna, sa ikalawa ay tatanggalan sila ng scholarship grants at kung ‘non-grantee’ ay ang mga magulang nila o guardians ang pagbabayarin ng multang P500 at sa ikatlong pagkakasala ay multang P1,000.
Layunin nito na mapigilan ang mga pagkakataon ng pagtitipon ng mga residente at mabawasan ang pa-nganib na magkahawaan ng coronavirus disease 2019 (CO-VID-19).
Ayon kay Muntinlu-pa City Council Majori- ty Floor Leader Coun. Raul Corro, aalisin lamang ang liquor ban kung hindi na kabilang ang lungsod sa anumang quarantine levels.
Masyado umanong matitigas ang ulo na hindi nagpapaawat ang mga residente sa pagtitipun-tipon kaya’t hindi naaawat ang paglaki pa ng bilang ng mga tinatamaan ng virus.
- Latest