^

Metro

73-anyos na lolo, patay sa flashflood sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 73-anyos na lolo ang binawian nang buhay makaraang  maanod sa ruma­ragasang tubig sa isang creek sa Brgy. Kamu-ning sa Quezon City, kahapon ng hapon.

Ang bangkay ng bik­tima ay nakita sa ka­bilang barangay.

Sa kuhang video habang nasa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan ay makikitang malakas ang agos ng tubig sa creek sa may K6 sa Quezon City.

Nakita rin dito na may ilang kabahayan  na nasa gilid ng creek ang tinangay ng agos.

Ayon kay Dennis   Cabatit, kagawad ng Ba­rangay Kamuning, big­laan ang pagtaas ng tubig sa creek at palaisipan kung bakit ito nangyari.

Sinasabing 10 ba­rung-barong ang inagos ng malakas na agos ng tubig sa creek kasama ang bahay ng namatay na senior citizen.

Dahil sa malakas na buhos ng ulan kahapon, marami pang mga lugar sa QC ang dumanas ng matinding pagbaha lalo na sa may  Araneta Ave­nue, E. Rodriguez at may Barangay Pinyahan.

 

vuukle comment

FLASHFLOOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with