Lahat ng public transport, saklaw sa mandatory face shields-DOTr
Ito ang paglilinaw na ginawa ni DOTr Assistant Secretary Goddess Hope Libiran kahapon kasunod ng memorandum na inisyu ng DOTr nitong Agosto 3, na nagmamandato sa mga commuters na gumamit ng face shield kung sasakay sa mga pampublikong transportasyon, para malabanan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019.
Edd Gumban, file

Lahat ng public transport, saklaw sa mandatory face shields-DOTr

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - August 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Saklaw sa paggamit ng face shield simula sa Agosto 15 ang lahat ng commuters na sasakay sa anumang uri ng public transport sa buong bansa.

Ito ang paglilinaw na ginawa ni DOTr Assistant Secretary Goddess Hope Libiran kahapon kasunod ng memorandum na inisyu ng DOTr nitong Agosto 3, na nagmamandato sa mga commuters na gumamit ng face shield kung sasakay sa mga pampublikong transportasyon, para malabanan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon pa kay Libiran, kailangang gamitin ang face shield, bukod pa sa face mask, kung sasakay ng Metro Rail Transit at Light Rail Transit, gayundin ang mga tricycle, pedicab, bus, jeepney, barko, eroplano, at iba pang mass public transportation.

Ipatutupad din aniya ang naturang kautusan hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa buong bansa.

“Ito po ay hindi lang magiging applicable sa Metro Manila sa buong bansa po ito,” ayon kay Libiran, sa panayam sa radyo.

“Ito po ay applicable sa lahat ng modes of public transportation… maging mga barko, ganoon din po sa eroplano,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Libiran na ang bisikleta ay hindi naman ikinukonsidera bilang pampublikong transportasyon ngunit ang riders nito ay hinihikayat na gumamit rin ng face shields.

Ipinaliwanag ni Libiran, na ayon sa mga eksperto, kung 94% ang makukuhang proteksyon laban sa virus ng isang indibiduwal sa paggamit ng face masks at pag-obserba ng physical distancing, ay tataas pa ito ng hanggang 99% kung gagamit na rin ng karagdagan pang face shields.

Samantala, plano na rin aniya nilang hilingin sa Department of Trade Industry (DTI) na maglagay ng price cap sa mga reusable face shields, upang matiyak na hindi sisirit ang presyo nito.

Ang mga face shields sa ngayon ay ipinagbibili ng ilang tindahan ng mula P25 hanggang P30.

Kasabay nito, hinikayat din naman ni Libiran ang mga sellers na huwag abusuhin ang ipapatupad na mandatory face shield rule para itaas ang presyo ng kanilang paninda.

DOTR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with