Serology testing, ang gamit ng Maynila
Ito ang sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno makaraan na ihayag ng ilang medical health worker groups na hindi epektibo at posibleng nakadagdag pa sa pagdami ng nahawa ng coronavirus disease ang rapid test kits.
STAR/Michael Varcas, file
Serology testing, ang gamit ng Maynila
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi umano rapid test kits ang ginagamit na ‘serology testing’ ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa kanilang mga testing centers.

Ito ang sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno makaraan na ihayag ng ilang medical health worker groups na hindi epektibo at posibleng nakadagdag pa sa pagdami ng nahawa ng coronavirus disease (COVID-19) ang rapid test kits.

“The City of Manila acquired a machine (for) Serology Antibody Laboratory Testing. This has an accuracy rate of 99.6-percent specificity and 100-percent sensitivity,” ayon kay Moreno.

Ipinaliwanag ng alkalde na ang Abbott Serology Testing Machines na ginagamit ngayon sa Maynila na siya ring gamit sa pagtukoy sa iba pang sakit tulad ng HIV, cancer, hepatitis, at tuberculosis.

“Abbott developed a reagent for COVID-19 Igg antibody. Ngayon gina­gamit natin ‘yan. So para maging cost efficient ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila, i-tetest namin siya diyan, ‘pag nag-positive siya, at least alam niya kaagad, mayroon na agad next medical protocol na dapat niyang gawin at ipagawa sa kaniya. Kung may symptoms na siya then we can confirm,” dagdag pa ni Moreno.

Nakakatulong din ito sa mabisang contact tracing at surveillance ng COVID-19 cases sa mga komunidad na siya ring ginagamit sa ibang bansa, dagdag ng alkalde.

Ngunit para mas makatiyak, nagsasagawa rin ang Maynila ng swab testing bilang pagsunod rin sa panuntunan ng Department of Health (DOH).

Ang serology testing machines ang gamit nila sa dalawang drive thru testing, walk-in testing centers at mobile testing centers na umiikot sa mga barangay sa Maynila.

COVID-19 TESTING ISKO MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with