PUV drivers, market vendors prayoridad sa COVID-19 pooled testing sa Makati
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - August 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Uunahin ng lokal na pamahalaan ng Makati sa isasagawang pooled testing para sa coronavirus di­sease 2019 (COVID-19) ang mga driver ng jeep, tricycle at pedicab at mga tindera sa palengke.

Nabatid na ang Makati City Government ang kauna-unahang gagamit ng real time-polymerase chain reaction (RT-PCR) pooled testing sa mga lokal na pamahalaan sa bansa na itinakda sa Agosto 15, 2020.

Ayon kay Mayor Abby Binay, aabot sa 10,000 indibiduwal ang inisyal na target para sa pooled testing, at karamihan dito ay PUV drivers at market vendors dahil kabilang sila sa pinaka-exposed sa virus. Kalaunan ay isasagawa rin ito para sa iba pang mga sektor.

Lumagda ang alkalde nitong Miyerkules sa isang memorandum of agreement (MOA) kasama ang Philippine Children’s Medical Center (PCMC), Philippine Center for Entrepreneurship, at BDO Foundation, para sa pormal na pagpapatupad ng Pooled RT-PCR Testing, na binuo sa ilalim ng Project ARK.

Sa ilalim ng kasunduan, maghahati ang Makati at BDO Foundation sa P5-milyong gastusin para sa naturang proyekto. Ang PCMC naman ang magbibigay ng orientation at training sa health team ng Makati pati na iba pang partners, at siya ring magsasagawa ng actual testing at mag-iinterpret sa test results.

Gamit ang pooled testing method, sabay-sabay na susuriin ang swab samples mula sa iba’t ibang indibiduwal na bubuo sa isang pool o batch. Kapag positive ang resulta, lahat ng mga kasama sa batch ay isa-isang isa-swab test at susuriin nang magkakahiwalay ang mga sample. Kapag negative naman ang resulta, hindi na kailangang itest pa ang lahat ng kasama sa grupo. Ayon kay Mayor Abby, inaasahang malaki ang maitutulong ng mga resultang makukuha mula sa pool testing sa Makati pagkatapos ng isang buwan, lalo na sa pagpapahusay ng mass testing protocols upang maging mas epektibo ang pamamahala sa COVID-19 cases sa buong bansa.

Batay sa kasunduan, pipili ang lungsod ng Makati ng mga grupo ng mamamayan o komunidad para masuri gamit ang pooled testing. Bibigyan ng training ang Makati health personnel para sa tamang paraan ng swabbing at pooling. Gagamitin naman ng lungsod ang mga resultang makukuha upang mapabuti ang sariling health policies at programs tungo sa mas mahusay na pagtugon sa COVID-19.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with