Family driver, timbog sa P2.5 milyong shabu
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - August 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mahigit sa P2.5 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa 25-anyos na driver/mechanic sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Makati Police Station sa San Isidro, Makati City.

Kinilala ni P/Colonel Oscar Jacildo, hepe ng Makati Police Station, ang nadakip na suspek na si Edward Sayson, ng Brgy. San Isidro, Makati City.

Ayon sa ulat dakong alas-6:40 ng gabi ng Agosto 5, 2020 nang isagawa ang buy-bust operation laban sa suspek ng pinagsanib na puwersa ng Station Drugs Enforcement Unit (SDEU) at Intelligence Section ng Makati City Police sa bahay ng suspek.

Nakabili ng P50,000 halaga ng shabu ang isa sa operatiba bago sinalakay ang bahay ng suspek kung saan nasamsam ang nasa 7 plastic sachet ng shabu  na may kabuuang 375.38 gramo na may katumbas na halagang P2,555,584.

Nabatid na nasa drug watchlist ng Makati Police ang suspek na nahaharap na sa reklamong paglabag sa sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with