Pag-imbentaryo sa mga pantalan, iniutos ng PPA
(Pilipino Star Ngayon) - August 7, 2020 - 12:00am

Matapos ang pagsabog sa Lebanon

MANILA, Philippines — Agad na ipinag-utos ng Philippine Ports Authority (PPA) ang pag-imbentaryo sa mga nakaimbak sa mga pantalan nito matapos ang naganap na pagsabog sa Lebanon sanhi ng nakatagong ammonium nitrate sa isang port warehouse.

Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, na agad-agad silang nagpa-imbentaryo ng lahat ng mga nakaimbak sa pantalan. Partikular na inalam kung mayroong ammonium nitrate, na isang materyal na mada­ling sumabog.

Gayunman, sa inis­yal na imbentaryo, wala umanong nakaimbak na ammonium nitrate dito.

Nabatid din na may ibang kemikal at dange­rous goods tulad ng fireworks na nakumpiska ng Bureau of Customs ang nakaimbak sa kanilang pantalan.

“Ang kailangan natin gawin ay makipag-ugna­yan sa Bureau of Customs para magkaroon ng proper disposal sa mga mater­yales na ‘yan dahil talagang hindi dapat naiimbak sa loob ng warehouse ‘yan,” pahayag pa nito.

Paliwanag ni Santiago na nagsilbing “wake up call” ang trahedyang naganap sa Lebanon.

“Wake up call na dapat pag-ibayuhin ang tinatawag na dangerous goods management natin para mamonitor talaga kung anong mga materyales na ‘yan at paano ang sto­rage at handling n’yan, kailangang pa-ibayuhin, pagbutihin,” dagdag pa ni Santiago.

Magugunitang mahigit sa 100 katao kabilang ang dalawang Pinoy ang nasawi sa naganap na malakas na pagsabog sa Beirut, Lebanon habang higit sa 5,000 ang nasugatan dahil sa nakaimbak na ammonium nitrate sa isang bodega dito.

PHILIPPINE PORTS AUTHORITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with