^

Metro

E-Bingo, ilang stalls sa Pasig market, ikinandado ni Mayor Vico

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
E-Bingo, ilang stalls sa Pasig market, ikinandado ni Mayor Vico
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Sotto na ang E-Bingo ay ipinasara niya nang matuklasang nag-operate na ito noong panahon ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila, kahit mahigpit pang ipinagbabawal ang operasyon ng mga kahalintulad na establisyimento.
Vallery Hache/AFP, file

PASIG, Philippines — Ipinakandado ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang isang E-Bingo sa lungsod, gayundin ang ilang stalls sa Pasig City Market, matapos na matuklasang may nagawang mga paglabag ang mga ito sa minimum health and safety standards na ipinaiiral ng pamahalaan para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Sotto na ang E-Bingo ay ipinasara niya nang matuklasang nag-operate na ito noong panahon ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila, kahit mahigpit pang ipinagbabawal ang operasyon ng mga kahalintulad na establisyimento.

Batay sa mga larawang ibinahagi ng alkalde sa FB, makikita ang mga kliyente ng E-Bingo, na mga naka-face mask, na naglalaro sa loob sa establisyimento.

“CLOSED. E-bingo na nagbukas habang GCQ. Alam naman nilang bawal. Langya may pa safety reminders pa sa entrance,” nakasaad sa Facebook post ni Sotto.

Samantala, napilitan din ang alkalde na ipasara ang ilang stalls sa Pasig Mega Market dahil naman sa paglabag nila sa minimum health and safety standards.

Ayon sa alkalde, masakit sa kanya ang pagpapasara sa stall ng palengke ngunit kinailangan niya itong gawin dahil hindi naman aniya niya maaaring hayaan at palampasin na lamang ang mga nagawang paglabag ng mga vendors, partikular na ang hindi pagsusuot ng face mask.

Inihayag pa ng alkalde na hindi naman nagkulang ang market administration ng paalala sa mga vendors ngunit may ilan pa rin sa mga ito ang hindi sumusunod sa mga patakaran.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with