^

Metro

COVID-19 patients inilagay muna sa tent, pasyente sa loob ng ospital umaapaw na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil sa umaapaw na ang bilang ng mga pas­yente ng coronavirus disease (COVID-19), sa mga tents sa labas ng Gat. Andres Bonifacio Hospital na lamang muna inilalagay ang mga pasyente na hindi na kayang ipasok sa loob ng pagamutan.

Sinabi ni Dr. Ted Martin, hospital director, na wala silang magawa kundi tanggapin ang mga pasyenteng lumalapit sa kanila sa kabila na puno na ang kanilang kapasidad.

“Kailangan mo talagang mai-admit. Kawawa ang tao eh. Kawawa ang pasyente. Wala na silang mapuntahan – nagririgodon na lang sa mga ospital ng Metro Manila,” ayon kay Dr. Martin.

Ang paglobo ng mga pasyente ay makaraan na makapagtala nitong Martes ng hapon ng higit sa anim na libong bagong mga pasyente na nahawa ng virus.

Hindi naman umano mailipat ang mga pasyente sa ibang pagamutan tulad ng Philippine General Hospital o kaya Lung Center of the Philippines dahil sa ‘overcapacity’ na rin ang mga ito.

Ilan sa mga pasyente ay dumaranas ng sintomas ng COVID-19 ngunit hindi pa berepikado dahil sa naghihintay pa sa resulta ng kanilang swab tests.

Nilinaw naman ng Manila Public Information Office na matagal na ang mga tents sa naturang pagamutan at dalawa sa mga ito ay donasyon pa ng aktres na si Angel Locsin.  Pinagagamit umano ang mga ito sa mga pasyente na probable at suspected COVID-19 carriers.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with