^

Metro

3 Koreano na miyembro ng criminal group, nalambat

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong miyembro ng Korean Voice Phi­shing Criminal Group na pawang nahatulan na ng 10 taong pagkakakulong sa Korea ang nalambat ng mga operatiba ng  National Capital Region Police Office (NCRPO) gamit ang Interpol Red Notice, sa Fort Bonifacio, Taguig City, kamaka­lawa.

Kinilala ang mga nadakip na pugante na sina Kwon Hyeoksoo, 39; Sim Dong Woo, 39; at Lim Yeongjun, 36, pawang residente ng Unit 302 Lucerne Building, Asteria Residences, Brgy. San Isidro, Parañaque City.

Sa ulat na ipinadala kay NCRPO chief, P/Major General Debold Sinas, isinagawa ang pag-aresto matapos makipag-ugnayan  sa Fugitive Search Unit ng Bureau of Immigration ang mga awtoridad.

Sa pamamagitan ng hawak na Interpol Red Notice, inaresto ang tatlo dakong alas-11:45 ng umaga at dinala sa Metro Manila District Field Unit Office, sa SPD Compound, Lawton Ave., Fort Bonifacio, Taguig City.

Sa imbestigasyon, ang tatlong banyaga ay pawang miyembro ng nasabing grupo na sangkot sa online loan fraud sa Pilipinas at Korea.

vuukle comment

NCPRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with