400 COVID-19 marshall ikinalat sa Maynila
Pinangunahan kahapon ng umaga ni Manila City Mayor Isko Moreno ang opisyal na pagtatalaga sa mga traffic enforcers sa kanilang bagong trabaho sa Kartilya ng Katipunan upang tumulong sa mga opisyal ng barangay at mga pulis na sumita sa mga pasaway at umalalay sa publiko.
Edd Gumban
400 COVID-19 marshall ikinalat sa Maynila
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa 400 mga enfor­cer ng Manila Traffic and Par­king Bureau (MTPB) ang ikinalat sa mga kalsada para magsilbing mga COVID-19 safety marshalls na tutulong sa pagpapatupad ng mga health protocols.

Pinangunahan kahapon ng umaga ni Manila City Mayor Isko Moreno ang opisyal na pagtatalaga sa mga traffic enforcers sa kanilang bagong trabaho sa Kartilya ng Katipunan upang tumulong sa mga opisyal ng barangay at mga pulis na sumita sa mga pasaway at umalalay sa publiko.

“We will help our uniformed personnel in the PNP and the MPD. We will augment them for their effort to keep peace and order of the city,” ayon sa alkalde.

Ito ay makaraan na muling ipatupad kahapon ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila matapos ang liham ng mga medical frontliners kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Kayong lahat ay sanay sa kalsada. Araw-araw na ginawa ng Diyos ma­rami na kayong nakitang makukulit, marami na rin kayong experience sa pakikiusap sa mga tao. Alam ko ang sinasaway ninyo lang ay driver, pero simula sa araw na ito, ang sasawayin niyo na ay taumbayan,” paalala ni Moreno sa mga COVID-19 safety marshals.

Ang naturang bilang ay kalahati umano ng pu­wersa ng MTPB. Ipatutupad nila ang mahigpit na pagpapasuot ng face masks, physical distan­cing, at curfew sa mga barangay.

Habang umiiral naman ang MECQ, tuloy naman ang operasyon ng mga tricycle, e-trikes at pedicabs para maghatid ng mga pasahero. Nilinaw niya na kailangang isang pasahero lang ang laman ng isang tricycle at mahigpit na sumunod sa mga protocols.

Hindi naman nagpatupad ng ‘liquor ban’ si Moreno sa lungsod ngunit ipinaalala niya na kailangang sa loob ng bahay lamang inumin ang alak.

MTPB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with