PCP Commander, 1 pa huli sa kotong
Kinilala ang mga ­inaresto na si PMaj Celso M. Sevilla, PCP Commander ng Caloocan Police Station 10 at Nestor S. Rivera, na itinuturong asset ni Sevilla.
STAR/File
PCP Commander, 1 pa huli sa kotong
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - August 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga tauhan ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang commander ng PCP Police Station 10, Caloocan City NPD at sibilyang asset nito sa pangongotong sa mga gasoline vendor kapalit ng proteksyon sa Caloocan City kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ang mga ­inaresto na si PMaj Celso M. Sevilla, PCP Commander ng Caloocan Police Station 10 at Nestor S. Rivera, na itinuturong asset ni Sevilla.

Samantala pinaghahanap naman si PCPL Albert N. Cruz na kasabwat ni Sevilla.

Ayon kay BGen Ronald Lee, Dir. ng PNP IMEG, alas-12:00 ng tanghali ng isinagawa ang entrapment operation ng elemento ng IMEG Luzon Field Unit  Sub-Station 10 Caloocan City, na base ang reklamo sa ilang gasoline vendors na hinihingan sila ng P300 kada linggo ng mga suspek kapalit ng proteksyon upang hindi maabala ang operasyon ng kanilang negosyo.

Sa isinagawang survailance at validation mula noong Sept 11,2019, sina­lakay ng mga elemento ng Police Station 10 at nakumpiska ang 23 gallon ng gasoline at 2 cases ng 1 liter bottled ng gasoline product mula sa ilang mga stall sa kahabaan ng Purok 3 Brgy. 178, Camarin, Caloocan City.

Samantala wala naman sa opisina si Cruz ng isinagawa ang nasabing operasyon.

Dinala sina Sevilla at Rivera sa PNP IMEG sa Camp Crame isailalim sa booking at documention at paghaharap ng kasong Administrative at criminal.

KOTONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with