Malacañang sinuportahan si Mayor Belmonte sa pagkondena sa ‘shoot-to-kill’ post
Angie dela Cruz, Mer Layson, Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - August 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinuportahan  ng Malacañang ang ginawang pagkondena ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa post sa Facebook ni Quezon City local government’s Task Force Disiplina Rannie Ludovica na nagsasaad ng ganito: “Mula bukas shoot-to-kill na ang mga lalabag sa MECQ.“

Nagpasalamat si Presidential Spokesperson Harry Roque sa na­ging “stand” ni Belmonte sa isyu.

“Sa panig po ng Malacañang we can only adopt and thank Quezon City Mayor Joy Belmonte for her stand on this issue,” ani Roque.

Sa press briefing kasama si Roque, sinabi ni Belmonte na hind nararapat at iresponsable ang naging post ni Ludovica kahit pa sinabi niya ito sa personal niyang account sa FB.

Nilinaw ni Belmonte na ang sinabi ni Ludovica ay hindi polisiya ay hindi sumasalalim sa panuntunan ng Quezon Cty.

“Ang pahayag po ng pinuno ng task force disiplina na si konsehal Rannie Ludovica ay amin pong kinokondena, ito po ay mali it is inappropriate it is irresponsible at gusto ko lang pong bigyang diin na ito po ay pinost niya sa kanyang facebook account na personal at hindi po ito sumasalamin sa mga polisiya  sa mga prinsipyo ng pamahalaan lungsod Quezon,” ani Belmonte.

Idinagdag ni Belmonte na ang Quezon City ay ikinokonsiderang human rights capital ng bansa kung saan naroon ang tanggapan ng Human Rights Commission.

Ayon pa kay Belmonte, hiningan na niya ng paliwanag si Ludovica na nagpahayag ng pagkadismaya dahil marami pa ring mga taong hindi sumusunod sa mga paa­lala na palaging magsuot ng face mask at huwag lumabas kung hindi naman kailangan.

Matapos i-post ni Ludovica ang pahayag umani na ito ng batikos sa maraming netizen.

Humingi na umano ng tawad si Ludovica sa mga opisyal ng Quezon City na aminadong mali ang naging paraan para ilabas ang pagkadismaya.

Gayunman, ipinatawag pa rin ito ng pamunuan Department of Interior and Local Government (DILG) .

Ayon kay DILG spokesman, Undersecretary Jonathan Malaya, “improper” at “illegal” ang banta ni Ludovica, para sa mga quarantine violators.

“We advise him to desist from issuing similar statements in the future. While we strongly believe that discipline is one of the preventive measures to stop the transmission of the (coronavirus di­sease 2019), this must be enforced within the bounds of the law and the DILG will not tolerate any possible abuse of authority on the part of law enforcement agencies or enforcement units of local government units,” sabi Malaya.

JOY BELMONTE MECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with