^

Metro

Liaison officer ng barangay, inaresto sa pagbebenta ng pekeng travel pass

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang liaison officer ng Brgy. West Crame sa San Juan City ang sinampahan ng kasong falsification of public documents matapos na unang maaresto ng San Juan City Police dahil sa pagbebenta umano ng pekeng travel authority.

Iniharap sa media ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang suspek na si Leonardo Puno, 39, isang liaison officer ng naturang barangay.

Sa ulat ng San Juan City Police, nabatid na ang suspek ay naaresto nila noong Hulyo 30 matapos ang reklamo mula sa concerned citizen sa pagbebenta nito ng travel authority, sa hindi tinukoy na halaga.

Nang suriin ang travel pass na ibinebenta ng suspek sa mga biktima hindi nabasa ang QR code sa scanning na ginawa ng pulis.

Natuklasan din na wala ito sa mga listahan ng mga naisyuhan na ng travel pass.

Lumitaw rin na galing pa sa Recto ang mga pekeng travel authority na ipinamimigay ng suspek na naglalaman ng pekeng pirma ni San Juan City Police chief, PCOL. Jaime Santos.

Paglilinaw naman ni Santos na ang mga pulis ang naglalabas ng travel authority at hindi ang barangay.

 

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with