^

Metro

Bebot itinulak palabas ng sasakyan saka binaril, patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Bebot itinulak palabas ng sasakyan saka binaril, patay
Sa salaysay ng testigong taxi driver, habang nakapila siya sa northbound lane ng Agham Road sa tapat ng Philippine Children’s Hospital, nang mapansin nito ang isang kotseng pula na hindi naplakahan na huminto sa kabilang lane. Aniya, tila mayroong komosyon sa loob ng sasakyan hanggang sa marinig nito ang mga putok ng baril.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang babae ang itinulak muna palabas ng sasakyan at saka pinagbabaril ng kanyang kasamang lalaki na nagresulta sa agaran nitong kamatayan sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima gayundin ng salarin sa krimen.

Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), alas-12:30 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa Agham Road, tapat ng Philippine Children’s Hospital.

Sa salaysay ng testigong taxi driver, habang nakapila siya sa northbound lane ng Agham Road sa tapat ng Philippine Children’s Hospital, nang mapansin nito ang isang kotseng pula na hindi naplakahan na huminto sa kabilang lane. Aniya, tila mayroong komosyon sa loob ng sasakyan hanggang sa marinig nito ang mga putok ng baril.

Maya-maya ay nakita umano niyang itinulak ng suspek ang biktima palabas ng sasakyan mula sa passenger side at bumaba ang isang lalaki saka muling binaril ang biktima.

Narekober ng pulisya sa crime scene ang walong basyo ng kalibre .45 na baril.

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with