^

Metro

P200 milyong pondo inilaan ni Isko para sa bakuna vs COVID-19

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
P200 milyong pondo inilaan ni Isko para sa bakuna vs COVID-19
“In preparation for the end game of this crisis, I have asked VM Ho­ney Lacuna and the City Council na magtabi po, top appropriate P200 million sa 2021 budget na gagamitin bilang pambili ng COVID-19 vaccine,” ayon kay MAnila Mayor IskoMoreno.
Unsplash stock

MANILA, Philippines — Naglaan na ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng P200 milyong pondo buhat sa kanilang 2021 budget para sa pagbili ng bakuna kontra sa coronavirus disease (COVID-19) para sa mga Manilenyo.

Hiniling na ito ni Manila Mayor Isko Moreno sa Manila City Council sa pangunguna ni Vice-Mayor Honey Lacuna para makatiyak na may magagamit silang pambili ng bakuna sa oras na may nagawa at naaprubahan nang panlunas sa COVID-19.

“In preparation for the end game of this crisis, I have asked VM Ho­ney Lacuna and the City Council na magtabi po, top appropriate P200 million sa 2021 budget na gagamitin bilang pambili ng COVID-19 vaccine,” ayon kay Moreno.

Ginawa umano ito para makatiyak na agad na maseserbisyuhan ang mga taga-Maynila at tuluyang mapuksa ang virus sa kapitolyo ng Pilipinas.

“In case po na mayroon na, handa na po ang lungsod ng Maynila,” pagtitiyak pa ng alkalde.

Nakipag-ugnayan na rin si Moreno sa mga malalaking internasyunal na pharmaceutical companies na nagsasagawa ng pananaliksik sa bakuna.  Tumanggi naman siyang maglabas ng iba pang detalye sa kanilang mga napag-usapan dahil sa pagiging sensitibo ng ibang impormasyon.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with