Brgy. chairmen sa Marikina, binalaan

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - July 30, 2020 - 12:00am

Sa paglabag sa quarantine protocols

MANILA, Philippines — Winarningan ni Marikina City Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro na ilang punong barangay sa lungsod kasunod na rin ng mga ulat na nagkaroon ng umano’y paglabag sa qua­rantine protocols sa kani-kanilang nasasakupang barangay.

“Bawal ‘yan. Hindi dapat mangyari... ang totoo nireprimand na natin ‘yung mga barangay captain sa lugar na ‘yan eh at binigyan natin ng warning,” pahayag ni Teodoro, sa isang panayam sa radyo, matapos na mahingian ng reaksiyon hinggil sa mga ulat na nagkakaroon ng mass gathering gaya ng inuman at videoke sa ilang barangay sa Marikina City, kabilang na sa Fortune, Parang, at Marikina Heights.

Ayon kay Teodoro, kung magpapatuloy pa ang naturang mga paglabag sa quarantine guidelines ay maaaring masuspinde ang mga naturang barangay captain.

Aniya pa, may kahalintulad na ring insidente na naiulat kamakailan ngunit kaagad naman itong inaksiyunan ng mga lokal na opisyal.

Kaugnay nito, pinaalalahanan din naman ng alkalde ang mga pulis na gawin ang kanilang tungkulin sa pagpapatupad ng quarantine protocols upang hindi masuspinde o maipalipat sa ibang lugar.

Batay sa datos, ang Marikina City ay nakapagtala na ng 713 total COVID-19 cases.

CHAIRMAN COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with