^
1-taon kulong hatol kay Claire dela Fuente
Magugunitang Enero 5, 2009 nang kasuhan ng Bureau of Internal Re­venue ng information sa CTA ang Philippine Corinthian Liner Corporation (PCLC) at si Clarita de Guzman, alyas Clarita Dela Fuente, ang Vice-President/Treasurer/Ma­nager ng bus company.

1-taon kulong hatol kay Claire dela Fuente

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - July 16, 2020 - 12:00am

Dahil sa paglabag sa tax code

MANILA, Philippines — Hinatulan ng Court of Tax Appeal na makulong ng isang taon ang bus operator na si Claire dela Fuente matapos mapatunayang nagkasala sa kasong Tax Code may sampung taon na ang nakararaan.

Magugunitang Enero 5, 2009 nang kasuhan ng Bureau of Internal Re­venue (BIR) ng information sa CTA ang Philippine Corinthian Liner Corporation (PCLC) at si Clarita de Guzman, alyas Clarita Dela Fuente, ang  Vice-President/Treasurer/Ma­nager ng bus company.

Napatunayan ng CTA na ang kompanya at si dela Fuente ay nagkasala ng walang pag-aalinlangan hinggil sa paglabag sa Tax Code.

Ang PCLC ay isang domestic corporation na may negosyo sa transport at shuttle service, business carriers, hau­ling, vulcanizing, auto repair, auto-building, manufacture, fabrication of chassis body at iba pang auto parts at accessories na naitayo noong November 18, 1996.

Ayon sa CTA, ang  PCLC at si Dela Fuente ay lumabag sa Tax Code dahil sa pag-operate ng negosyo nang hindi nagpa-file ng income tax returns mula 1998 hanggang 2004.

Naiprisinta sa ­korte ng prosekusyon ang mga ebidensiyang dokumento mula sa iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan partikular sa BIR, Securities and Exchange Commission (SEC), LTFRB at LTO na nagpapatunay na nag-o-operate ang kompanya mula 1998 hanggang 2004 kahit na sinasabi ni dela Fuente na hindi sila nag-operate ng naturang mga taon at nagsabing nagsimula lamang silang mag-operate noong 2005.

Bigo rin umano ang kompanya na ideklara ang kanilang kita quarterly at mai-file ang kanilang annual income tax return para sa ta­xable years 1998 hanggang 2004 kahit alam ng kompanya na obligasyon niya ito.

Sinasabing nagre­histro sa BIR ang kompanya noong January 27, 2005 at nagbigay ng mga pekeng returns para ipakitang sila ay nag-file.

Sinabi din ng CTA na si Dela Fuente ang may responsibilidad sa kompanya dahil nagpapakilala din siya bilang Pesidente o General Manager ng PCLC ka­ya’t walang pagkakaila na alam niya ang ope­rasyon ng kompanya kaya’t hindi ito maaaring makawala sa parusa ng batas dahil sa ginawang paglabag dito.

CLAIRE DELA FUENTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with