^

Metro

P5.4 milyong halaga ng shabu, nasamsam sa drug-bust

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
P5.4 milyong halaga ng shabu, nasamsam sa drug-bust
Kinilala ni PDEA Dir Gen. Wilkins Villanueva ang mga suspek na sina Daisy Usman, Yasmin Balading at Joselito Castillo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Umaabot sa P5.4 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kasabay sa pagkakaaresto sa tatlong drug pusher sa isinagawang buy-bust operation sa isang mall sa Las Piñas City.

Kinilala ni PDEA Dir Gen. Wilkins Villanueva ang mga suspek na sina Daisy Usman, Yasmin Balading at Joselito Castillo.

Lumilitaw na dakong alas-4:25 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang pinagsanib na elemento ng PDEA Bulacan Provincial Office, PDEA Laguna at PDEA NCR sa parking lot ng isang mall sa Brgy. Almanza 1 sa Las Piñas City.

Dinakma ang mga suspect matapos na iabot ang droga sa isang agent na nagpanggap na buyer.

Nasamsam sa mga suspek ang may 800 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P 5.4 Million, 1 unit ng Cherry Mobile Cellphone, 1 kulay gray na Toyota Vios na gamit sa pagdedeliber ng droga at mark money.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag  sa RA 9165 o conprehensive dangerous drug act of 2002 ang mga nadakip na suspect.

vuukle comment

PDEA

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with