^

Metro

348 pulis at sundalo, idedeploy sa Navotas lockdown

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
348 pulis at sundalo, idedeploy sa Navotas lockdown
Nagmamadaling bumili ng kanilang pangunahing pangangailangan ang mga residente ng Navotas bago ang ipapatupad na dalawang linggong lockdown sa lungsod dahil sa pagtaas ng bilang ng nagkaka-COVID. Magsisimula ang lockdown bukas (Hulyo 16) hanggang Hulyo 29.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nasa 348 na pulis at sundalo ang idadagdag bilang augmentation sa lungsod ng Navotas sa pagpapatupad sa dalawang linggong lockdown na magsisimula bukas, Hulyo 16.

Ito ang inihayag ni P/Lt. Gen. Guillermo ­Eleazar, commander ng Joint Task Force COVID Shield kasabay nang pagsasabing nakipag-ugna­yan na sila kay Navotas City Mayor Toby Tiangco sa mga gagawing hakbang sa pagpapatupad ng citywide lockdown upang malimitahan ang galaw o kilos ng mga residente.

“Our task is to contain the unnecessary movement of people and keep all residents at home except for the medical frontliners and other people who are authorized to go out. The other task is to ensure that APOR (Authorized Persons Outside Residence) shall follow the health protocols,” ani Eleazar.

Sa datos ng Navotas City, halos umabot na sa 1,000 kaso ng COVID-19 kung saan halos 50 percent ang active case, habang 325 ang nakarekober at 59 naman ang nasa kritikal. Halos umabot na rin sa full capacity ang quarantine facilities na itinayo ng lungsod.

Isinisi ni Tiangco sa mga matitigas ang ulo ang pagtaas ng kaso ng COVID sa lungsod.

Isinaad ni Eleazar na papayagan lang lumabas ng mga bahay ang mga may trabaho, at magbibigay o isyu ng 1 quarantine pass sa bawat pamilya at maaari lang makalabas base sa ibibigay na schedule ng local na pamahalaan

vuukle comment

LOCKDOWN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with