300 COVID-19 contact tracers kinuha ng Quezon City
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - July 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kumuha ng may 300 contact tracers ang Quezon City go­vernment para tumulong na maibsan ang pagkalat ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Ayon kay QC Ma­yor Joy Belmonte, ang bagong contact tracers ang tutulong sa mga tauhan ng city’s Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) sa paghahanap na mga close contact ng mga suspected at infected ng virus.

“Aggressive contact tracing is key to testing the right population. We have to keep pace with new infections by forming many groups of contact tracers who will be able to immediately identify those who have been in close contact with COVID-19 patients,” pahayag ni Belmonte.

Ayon kay CESU head Dr. Rolando Cruz, partikular na gagawin ng mga bagong contact tracer na hanapin ang mga indibiduwal na nagkaroon ng direct contact sa mga COVID-19 patient base sa nagdaang dalawang linggo na nakasalamuha ng pasyente.

Sasailalim din anya sa isang araw na intensive contact tracing training ang mga bagong contact tracer hinggil sa tracing protocols, proper donning at doffing ng personal protective equipment (PPE) at interviews.

Ang mga bagong contact tracers ay kinabibilangan ng mga registered nurses, medical technologists, PNP contingents at dalawang indibidwal mula sa bawat barangay.

Nanawagan naman si Cruz sa publiko na makipag-ugna­yan sa contact tracing hotlines kung nakasalamuha ang COVID- 19 patients, o nakakaram­dam ng sintomas ng virus sa 8703-2759, 8703-4398, 0916-1228628, 0908-6398026; o via email sa qcsurveillance@quezoncity.gov.ph at qcsurveillance@gmail.com.

Ang hotlines ay bukas mula Lunes hanggang Sabado sa alas-8 ng umaga hanggang alas- 5 ng hapon.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with