Sickness Benefit Reimbursement Applications sa SSS, digital na
Ang online facility para sa SBRAs na makikita sa My.SSS web portal sa www.sss.gov.ph, ay pinapayagan ang mga employers na makapag-file ng kanilang sickness benefit reimbursement claims para mas kumbiniyente at hindi na tutungo pa sa mga tanggapan ng SSS para dito.
SSS FB Page
Sickness Benefit Reimbursement Applications sa SSS, digital na
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - July 14, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Digital na ngayon ang pagtanggap ng Social Security System (SSS) ng Social Security (SS) Sickness Benefit Reimbursement Applications (SBRAs)  ng mga employers  sa pamamagitan ng kanilang website.

Ang online facility  para sa SBRAs na makikita sa My.SSS web portal  sa  www.sss.gov.ph, ay pinapayagan ang mga employers na makapag-file ng kanilang  sickness benefit reimbursement claims para mas kumbiniyente at hindi na tutungo pa sa mga tanggapan ng SSS para dito.

Ayon kay SSS President and CEO Aurora C. Ignacio na ang pagkakaroon ng online facility  ay bahagi ng  ongoing digital transformation ng SSS  sa panahon ng pandemic.

“Aside from expedi­ting the processing time of sickness benefit reimbursements by eliminating the transmission of claims from SSS Branches to Processing Centers, this online facility will also reduce face-to-face interactions in our branches,” pahayag ni Ignacio.

Para magamit ang online facility,  ang mga employers ay kailangang magrehistro muna sa My.SSS account. Kailangan sila ay naka-enrol sa  SSS Sickness at Maternity Benefit Payment  sa ilalim ng Thru-the-Bank Program at dapat may registered bank account sa My.SSS portal.

Kailangan din ang mga itong may SSS-approved sickness notification  mula sa kanilang empleyado na  entitled para sa sickness benefit. Kailangang mayroon silang sertipikasyon na ang sickness benefit  ng empleyado ay nabayaran ng advance.

Sa dagdag na impormasyon, ang mga mi­yembro at employers ay maaaring tingnan at sundan ang SSS’ Facebook page at YouTube channel  sa  “Philippine Social Security System,” o sa  Twitter feed sa “PHLSSS.

SSS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with