Dahil sa matitigas ang ulo: Navotas City, 2 linggong ila-lockdown
Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco , patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod dahil sa patuloy na paglabas ng bahay ng mga residente at hindi pagsunod sa health protocols.
Michael Varcas/File
Dahil sa matitigas ang ulo: Navotas City, 2 linggong ila-lockdown
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - July 14, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — ‘Ang tigas ng ulo ng mga tao.’

Ito ang binigyan diin ni Navotas City Mayor Toby Tiangco kaya nagdesisyon siyang isailalim ang buong lungsod sa dalawang linggong lockdown laban sa COVID-19 simula sa Hulyo 16.

Ayon kay Tiangco, patuloy ang pagtaas  ng kaso ng COVID-19 sa lungsod dahil sa  patuloy na paglabas ng bahay ng mga residente at hindi pagsunod sa health protocols.

“Kailangan namin gawin ‘to, wala ka­ming choice kasi ang tigas ng ulo ng tao, eh,” ani Tiangco.

Hihigpitan din aniya nila ang mga leisure activities at exercises na kadalasang dinadagsa ng mga residente at nalilimutan ang social distancing.

Gayunman, bukas ang mga negosyo at papayagang makapasok sa trabaho ang mga empleyado.

Nabatid kay Tiangco, hinihintay lamang nila ang augmentation force na ni-request nila sa Department of the Interior and Local Government (DILG) upang masimulan na ang implementasyon ng lockdown sa Navotas City.

Itinaas din sa P1,000 mula sa P300 ang multa sa mga magulang na hahayaang maglaro sa labas ng bahay ang kani-kanilang mga anak.

Nilinaw ni  Tiangco na hindi nila nais na mangolekta sa halip ay leksyon at pagdi­disiplina sa mga magulang at anak na nasa lansangan ang nais nilang bigyan ng ngipin.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with