Magdi-discriminate sa may nakakahawang sakit, may parusa sa Makati
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - July 14, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — May katapat na parusa sa sinumang magdi-discriminate sa isang infected, suspect o pinaghihinalaang tinamaan ng communicable diseases at mga health at service workers tulad ng frontliners sa Makati City.

Sa ipinasang  Ordinance 2020-087, saklaw ng pagbabawal ang lahat ng nakatira, nagtratrabaho at bumibisita lamang sa lungsod, na kung lalabag ay pagmumultahin ng P5,000  sa una sa unang at ikalawang paglabag  habang sa ikatlong paglabag ay papatawan na ito ng kulong ng hanggang isang taon.

Una sa ipinagbabawal ang pagkakalat ng maling impormasyon o pagbubunyag ng pagkakilanlan ng isang indibidwal na infected, under investigation o under monito­ring due  dahil sa infectious o communicable disease sa tradisyunal na paraan o sa digital media.

Ikalawa, hindi maaring magpalayas o i-terminate ng lease contract sa nangu­ngupahang indibiduwal.

Ikatlo, ang diskriminasyon sa trabaho tulad ng pag-reject sa job applications, termination o pagtanggal sa trabaho o pagpapatupad ng discrimination policy sa pagtanggap ng aplikante at iba pang kaugnay sa benepisyo, promotion o assignment kahit nakakuha na ng clearance na physically fit na sa trabaho.

Ikaapat, ang pagpapatupad ng travel restrictions sa loob ng  Makati o hindi pagpayag na makapasok sa lungsod (except for restrictions that are in accordance with policies set by the go­vernment on community and individual quarantine) at iba pa.

 

FRONTLINERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with