^

Metro

400 taong imahe ng Sto. Niño pinangangambahang natupok sa simbahan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
400 taong imahe ng Sto. Niño pinangangambahang natupok sa simbahan
Sinabi naman ni Se­nior Supt. Gerrandie Agonos, Manila fire marshal, na patuloy pa rin nilang inaalam ang pinagmulan ng apoy ngunit malaki ang hinala nila na sanhi ito ng “electrical fire due to short circuit”.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Pinangangambahan ngayon ng Manila Archdiocese na nadamay ang imahe ng Sto. Niño na tinatayang may edad nang 400 taon sa naganap na sunog sa Sto. Niño Parish sa Pandacan, Maynila nitong nakaraang Biyernes.

Ayon sa Archdiocese of Manila, ang imahe ay inukit sa itim na kahoy katulad ng materyales na ginamit sa imahe ng Itim na Nazareno ng Quiapo at ng Black Madonna ng Antipolo.

Nabatid na dinala sa Pilipinas ang imahe ng mga Kastila sa pamamagitan ng mga galleon mula sa Acapulco, Mexico.  Ito ngayon ang nagsisilbing sagisag ng debosyon ng mga Katoliko sa distrito ng Pandacan.

Sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na prayoridad nila ngayon ang matukoy ang kinaroroonan ng imahe.

Nanawagan naman si Bishop Broderick Pabillo, Manila Archdiocese administrator, sa mga Katoliko na magtulung-tulong para maitayong muli ang natupok na simbahan.

Sinabi naman ni Se­nior Supt. Gerrandie Agonos, Manila fire marshal, na patuloy pa rin nilang inaalam ang pinagmulan ng apoy ngunit malaki ang hinala nila na sanhi ito ng “electrical fire due to short circuit”.

Samantala, patuloy naman ang pagdating ng mga deboto sa Quiapo Church makaraang buksan na ang pagdaraos ng misa sa 100 tao.

Ang mga hindi na maaaring pumasok ay nagkakasya na lamang sa labas ng simbahan o sa Plaza Miranda para makinig ng misa habang nagpapatupad ng ‘physical distan­cing’.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with