Lockdown ng DILG NAPOLCOM center pinalawig hanggang Hulyo 17
Hulyo 5, nang ihayag ng NAPOLCOM na isasailalim sa isang linggong lockdown ang gusali matapos na magpositibo si DILG Undersecretary Epimaco Densing III sa COVID-19.
STAR/File
Lockdown ng DILG NAPOLCOM center pinalawig hanggang Hulyo 17
Doris Franche, Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - July 13, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatagal hanggang sa Biyernes ang lockdown sa Department of the Interior and Local Government-National Police Commission (DILG-NAPOLCOM) Center sa Quezon City.

Ito’y matapos na magpositibo sa COVID-19 ang isang empleyado ng NAPOLCOM noong Biyernes.

Ayon sa NAPOLCOM, layon ng pagpapalawig na mabawasan ang pakikipaghalubilo at maisagawa ang contact-tracing activity.

Dahil dito, ipatutupad ang work-from-home status sa loob ng isang linggo.

Hulyo 5, nang ihayag ng NAPOLCOM na isasailalim sa isang linggong lockdown ang gusali matapos na magpositibo si  DILG Undersecretary Epimaco Densing III sa COVID-19.

Gayunman, maaaring magtungo sa Personnel and Administrative Service sa  7th Floor  ang magsusumite ng mga dokumento.

DILG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with