^

Metro

Kinarnap na van, natagpuan sa Facebook

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Kinarnap na van, natagpuan sa Facebook
Taong 2015, nang nawalang parang bula ang van ni Fausto dela Cruz, Jr. 42, habang nakaparada sa tapat ng kanyang bahay sa 52 Paso de Blas Road, Brgy. Paso de Blas, ng lungsod kaya inireport niya kaagad sa mga awtoridad.
STAR/File

MANILA, Philippines — Makalipas ang limang taon, natagpuan ng isang negosyante sa facebook ang kanyang L-300 van na kinarnap sa Valenzuela City.

Taong 2015, nang nawalang parang bula ang van ni Fausto dela Cruz, Jr. 42, habang nakaparada sa tapat ng kanyang bahay sa 52 Paso de Blas Road, Brgy. Paso de Blas, ng lungsod kaya inireport niya kaagad sa mga awtoridad.

Kailan lang, nakita niya sa Facebook ang pag-aalok ng isang negosyante sa isang kulay puting L-300 van na kahalintulad ng kanyang nawawalang van.

Agad nagtungo si Dela Cruz sa 5078 Darluci St., Lopez Cmpd., Sitio Sulok, Brgy. Ugong upang kausapin ang nagbebenta ng sasak­yan.

Kinausap naman siya ng negosyanteng si Ro­nald Bryan Laderas, 32 at ipinakita sa kanya ang ibinebentang van.

Nang matiyak ni Dela Cruz na iyon ang nawawala niyang sasakyan, kaagad siyang humingi ng tulong sa pulisya at nabawi ang van.

Gayunman, kinailangan pa itong dalhin sa Camp Crame upang maisailalim sa macro-etching para matiyak kung na-tamper ang chassis at engine number nito.

Ayon sa pulisya, kapag napatunayang tampered ang numero ng chassis at makina ng sasakyan kakasuhan ng paglabag sa anti-fencing law si Laderas.

vuukle comment

5078

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with