^

Metro

High-value target na babaeng Chinese, timbog sa buy-bust

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
High-value target na babaeng Chinese, timbog sa buy-bust
Matapos makabili ng shabu ang mga operatiba ay dinakip ang suspek sa kaniyang unit, kung saan nakumpiska rin ang 9 na plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 11.7 gramo na nagkakahalaga ng P79,628.00, drug paraphernalias at ang buy-bust money.
STAR/File

MANILA, Philippines — Arestado ang isang babaeng Chinese national na kabilang sa high value target (HVT) matapos ikanta ng kababayang nakapiit o person under police custody (PUPC) na nagsuplay sa kaniya ng shabu, sa Pasay City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Xueming Chen, 22, jobless at residente ng Room 557, 5th floor Tower D, Shell Residences, Barangay 76,  Zone 10, Pasay City.

Sa ulat ng Pasay City Police -Station Drug Enforcement Unit na pinangunahan ni P/Captain Cecilio Tomas Jr., dakong alas 4:00 ng hapon ng Sabado nang isagawa ang buy-bust operation laban sa suspek.

Matapos makabili ng shabu ang mga operatiba ay dinakip ang suspek sa kaniyang unit, kung saan nakumpiska rin ang 9 na plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 11.7 gramo na nagkakahalaga ng P79,628.00, drug paraphernalias at ang buy-bust money.

Follow-up operation lang ang ikinasang operasyon laban kay Chen nang ikanta ng PUPC na si Wen Bo,  33, ng Unit no. 1055 Tower A, Shell Residences EDSA Extn., Brgy. 76 , Zone 10, Pasay City na suplayer niya ng shabu ang kababayan.

Si Bo ay nahulihan ng 3 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P20,400 na nakasingit sa food pack habang nakapiit sa custodial facility ng SDEU  ala 1:00 ng madaling araw ng Hulyo 11 matapos isagawa ang ‘Oplan Greyhound’.

Sa interogasyon, ibinunyag ni Bo na nagmula ang iligal na droga kay Chen.

vuukle comment

HVT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with