^

Metro

Higit P1 milyong shabu nasabat sa 4 na tulak

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasabat ng mga anti-drug operatives ang higit sa P1 milyong halaga ng shabu na nakumpiska sa apat na hinihinalang tulak na nalambat sa isang buy-bust operation ng Manila Police District (MPD) sa Bacoor, Cavite kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ang mga naaresto na sina Norodin Makalimpas, alyas Kuya, 27; Manilyn Odin, 28, Baby Ramos, 26 at Noraima Balayana, 27.  Nakatira ang mga suspek sa Block 9 Baseco Compound, Port Area sa Maynila at may bahay rin na tinutuluyan sa St. Alta Homes Sunnyvale sa Molino III, Bacoor, Cavite.

Sa ulat ng Ermita Police Station 5, alas-3:30 ng madaling araw nang madakip ang apat sa kanilang bahay sa Molino III, Bacoor, Cavite sa ikinasang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Team sa pangunguna ni PLt Andrian Arandia.

Unang naka-transaksyon ng mga pulis sina Makalimpas at Odin hanggang sa magkasundo na isasagawa ang bentahan ng droga sa kanilang bahay sa Bacoor, Cavite. Pumayag naman ang mga pulis at ikinasa ang entrapment operation na nagresulta sa pagkakasakote sa apat na suspek.

Nakumpiska ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng tinatayang 150 gramo ng shabu na may street value na P1,020,000, tatlong cellular phone, isang sling bag at nabawi rin ang isang P1,000 marked money na inihalo sa P680,000 boodle money bilang ebidensya.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at Presidential Decree 1829 o Obstruction of Justice.

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with