Ginang, bayaw niratrat ng tandem, patay!
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - July 13, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang ginang at bayaw nito matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nagsasara ng tindahan sa Brgy. Payatas, Quezon City, ka­makalawa ng gabi.

Naisugod pa sa pagamutan ngunit binawian rin ng buhay sina Flordelyn Nojapa, at kanyang bayaw na si Andy Montanez, 31, may asawa, construction worker, kapwa residente ng Peñafrancia St., Brgy. Payatas.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek, na inilarawan lamang na nakasuot ng itim na jacket at face masks at sakay ng Honda Click motorcycle na walang plaka.

Batay sa pagsisiyasat ni PCpl. Rodney Bay-Os ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, naganap ang krimen dakong alas-9:45 ng gabi sa loob ng Cipriano Sari-Sari Store, na pagmamay-ari ni Nojapa.

Nag-uusap sina Nojapa at ang bayaw na si Montanez, kasama ang mga kaanak na sina Mike, Erick, habang nagsasara ng tindahan, nang biglang duma­ting ang mga suspek sakay ng motorsiklo. Bumaba ang backrider at kaagad silang pinaulanan ng bala.

Mabilis na nakatakbo sina Mike at Erick ngunit minalas na tamaan ang magbayaw. Agad na tumakas ang mga suspek habang hindi na umabot ng buhay sa Maclang Hospital ang mga biktima. Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa krimen para sa agarang ikalulutas ng kaso.

PEñAFRANCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with