Ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra, ang main office ay sarado sa publiko mula bukas, July 13 hanggang July 17 Biyernes upang isagawa sa ahensiya ang disinfection.
pna.gov.ph
LTFRB sarado sa susunod na linggo dahil sa COVID
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - July 12, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang linggong isasara ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) ang main office ng ahensiya sa Quezon City dahil sa limang tauhan nito ay nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra, ang main office ay sarado sa publiko mula bukas, July 13 hanggang July 17 Biyernes upang isagawa sa ahensiya ang disinfection.

“Dahil sa sitwasyon ngayon sa tanggapan ng LTFRB, at para sa kaligtasan ng mga empleyado, ang aming mga stakeholders, at ng publiko,napagpasya naming itigil muna ang operasyon ng LTFRB Central Office simula sa Lunes. Hindi pinapayagang pumasok sa opisina ang mga tauhan ng ahensya,” pahayag ni Delgra.

Sa panahon na sarado ang LTFRB, walang face to face transactions sa ahensya tulad ng pagtanggap ng mga reklamo, aplikasyon, petisyon, inquiries at bayarin sa ahensiya pero may online transactions sa mga request para sa special permits,confirmation, franchise verification, provisional authority at legal queries.

Humingi naman ng paumanhin si Delgra sa pubiko sa ginawang pagsasara muna sa LTFRB main office para na rin sa kaligtasan ng lahat at huwag nang lumawak pa ang kaso ng Covid-19 sa ahensiya.

Dati nang naisara pansamantala ang main office ng LTFRB nang isa sa kanilang empleyado ay nag-positibo sa Covid-19 rapid test.

COVID-19 LTFRB
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with