3 ‘tulak’ timbog sa P3.4 milyong shabu
MANILA, Philippines — Tatlo kabilang ang isang Spanish national sa natimbog ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nahulihan ng kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon, sa isinagawangbuy-bust operation, sa BF Resort Village, sa Las Piñas, kamakalawa.
Kinilala ang mga naarestong sina Juan Carlos Martinez y Gilbuena, 37, Filipino, self-employed at residente ng no. 49 Lagman St., BF Resort Village, Talon 2, Las Piñas City; Javier Gallent y Munioscren, 52, Spanish national, residente ng no. 1 Don Manolo Boulevard Res, Alabang Hills Village, Muntinlupa City; at Michael John Uy y Gesmundo, 44, online disk-jockey operator at residente ng no. 22 D. Enriquez St., BF Resort Village, Las Piñas City.
Sa ulat, dakong alas 2:30 ng hapon nitong Biyernes (Hulyo 10) nang arestuhin sa isinagawang buy-bust operation ang mga suspek sa Enriquez St., BF Resort Village, Las Piñas.
Nabatid na ikinasa ang buy-bust sa pangunguna ng PDEA Regional Office-National Capital Region- Southern District Office, sa pakikipag-ugnayan sa Las Piñas City Police Station.
Nang makabili ng shabu ang poseur-buyer gamit ang boodle money at isang genuine P1,000 bill ay inaresto ang mga suspek na nakumpiskahan ng isang paper bag na may tatak na “Forever 21’ na naglalaman ng 500 gramo ng shabu na nakasilid sa isang transparent self-sealing plastic bag.
Nabawi rin ang marked money kasama ang boodle money, isang XR mobile phone, isang Huawei android phone, isang itim na nissan Cefiro na may plakang XMT 906, isang belt bag, isang Metrobank card na nakapangalan kay Juan Carlos Martinez, driver;’s license ni Michael John Uy.
Nahaharap sa kasong paglabag sa setions 5 at 26 ng Article II Republic Act 9165 (Comprehensive dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek.
- Latest