Rider, tepok sa taxi
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - July 12, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang motorcycle rider nang mabangga ng isang taxi sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City kamakalawa.

Ang biktimang nakilala lamang na si Anthony Miranda, ay naisugod pa ng mga rescue team sa Pasig City General Hospital (PCGH) ngunit hindi na umabot pang buhay, habang arestado at sasampahan naman ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property ang suspek na si David Ibarra Jr., 46, taxi driver.

Lumilitaw sa ulat ng Pasig City Police na dakong alas-5:30 ng hapon ay sakay si Ibarra ng kanyang taxi na Toyota Vios, na may (WOD-256) habang sakay naman ang biktima ng isang Yamaha Mio.

Binabaybay umano ng mga ito ang bahagi ng Sandoval ­Avenue ngunit pagsapit sa area ng Greenwoods Phase 4, sa Brgy. Pinagbuhatan ay bigla na lang umanong kumaliwa ang motorsiklo.

Dito na nahagip ng unahang bahagi ng taxi ang motorsiklo na nagresulta upang tumilapon ang biktima.

Nagtamo ang biktima ng matinding pinsala sa kanyang ulo at katawan na nagresulta sa kanyang kamatayan.

MOTORCYCLE RIDER TAXI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with