Simbahan sa Maynila nasunog
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 11, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Natupok sa naganap na sunog ang Sto. Niño Parish Church sa Pandacan, Maynila kung saan nadamay rin ang katabing kumbento, kahapon ng hapon.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Manila, ala-1:05 ng hapon nang unang sumiklab ang apoy sa naturang simbahan na nasa Jesus Street, Pandacan. Pag-aari ang simbahan ng Arsobispo ng Maynila kung saan mga pari at iba pang taong simbahan ang nanunuluyan dito.

Agad namang rumesponde ang mga bumbero at agad na nakontrol ang pagkalat pa ng apoy.  Nabatid na ala-1:19 ng hapon nang itaas ang sunog sa ikatlong alarma ngunit agad rin naman na nakontrol nang magdeklara ang BFP ng Fire Under Control dakong ala-1:44 ng hapon hanggang sa tuluyang ma-fire-out dakong alas-2:15 ng hapon.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagmula ang apoy sa ikalawang palapag sa dulong bahagi ng simbahan na agad na kumalat.

Naapektuhan ng apoy ang buong hall ng sim­bahan kasama na ang karwahe, mga imahe at kampana.

FIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with