^

Metro

Malawakang imbestigasyon sa pag-ambush sa piskal sa Maynila, iniutos ni Mayor Isko

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Malawakang imbestigasyon sa pag-ambush sa piskal sa Maynila, iniutos ni Mayor Isko
Nagsagawa ng trajectory tracing ang mga tauhan ng PNP-SOCO sa sasakyan ng inambus na piskal na si Jovencio Senados.
Russell Palma

MANILA, Philippines  — Ipinag-utos ni Manila Mayor  Isko Moreno sa Ma­nila Police District (MPD) ang malawakang imbestigasyon para maresolba at mabigyan ng hustisya ang karumal-dumal na pagpaslang kay Senior Assis-tant City Prosecutor Jovencio Senados.

Kasabay ito ng pagkon-dena ng alkal­de sa naturang pamamaslang na sinabi niyang pag-atake rin sa pamahalaan na kaniyang kinabibilangan at banta sa kaligtasan ng mga mamamayan ng Maynila na dumaranas na rin ng pangamba dahil sa pandemya.

Sa direktiba ni Moreno kay MPD Director BGen Rolando Miranda, sinabi nitong kailangang matutukan ang agarang pagresolba sa kaso na kung hindi magagawa ay magbibigay ng maling mensahe sa mga miyembro ng hudikatura.  Idinagdag pa ng alkalde na hindi lamang si Senados ang prosecutor na napaslang kundi maraming iba pa.

“The brazenness with which the murder was carried out shows that the perpetrators have no respect whatsoever to the institutions in place and this should not go unpunished,” ayon kay Moreno.

Sinabi naman ni Miranda na isang grupo na ang kaniyang binuo para tumutok sa pagresolba sa kaso. Kabilang sa mga impormasyong nakarating sa kanila ang sinabi ng driver ni Senados na napansin na niya na sinusundan sila ng mga salarin  sa Skyway mula sa Calamba, Laguna. Dito naniniwala si Miranda na masusing pinag-aralan ng mga salarin ang kilos ni Senados.

Nabatid rin na ang plate number ng itim na Mitsubishi Montero ng mga salarin ay nakarehistro sa ibang sasakyan.

Ang isa sa kontrobersyal na kaso na hinawakan ni Senados ay ang pagpaslang kay Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III sa Sampaloc, Maynila nitong 2019.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with